Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
 Para kaming Pamato …
Andaming nag react sa mga pangyayari sa mas umiinit pa at paganda ng pagandang Survivor Philippines. Ang saya na malaman na Number 1 na ang Survivor Philippines sa Pirmetime. Knowing na nasa very late time na sila. 10 pm na yata pinapalabas ang Suvivor pero ang taas parin ng ratings! Grabe. Wala akong masabi. Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Survivor Philippines. Kuya Alex! Pa burger ka naman! Burger Burger! Hahahah.
Okay, punta na tayo sa topic ng aking post. Napanood naman nating lahat na matagal na nawala sa isla si JC at ang kanyang tatlong tribe mates na sinama sa reward. Habang nasa ibang lugar ang apat, dinemonyo ever talaga ni Marlon ang dalawang naiwang “Naak” sa isla. Si kaye at si Cris. Mukhang nagtatagumpay si Marlon na pahinain ang alyansa ng Naak. Kapansin pansin na rin na napapaisip na si Cris at lalo na si Kaye. 
Dami rin ang nag react at galit na galit kay Marlon. Alam nyo guys, magalit na kayo sa akin or what, pero naiintindihan ko na si Marlon. Di ba sinabi niya na ginagawa niya lang ang mga katarantaduhan niya para manalo. Nothing personal kumbaga. Sa totoo lang, malaki ang naitulong ni Marlon para maging Number 1 ang Survivor Philippines. Ang boring ng Survivor pag wala si Marlon. I swear. Ngayon, wag nyo na personalin si Marlon. He’s there for a game. Ok? kawawa na kasi siya eh. As in wawa… Hehehe. Boooooo! Pro-Marlon na si Qarla. Hahaha.. Hindi naman sa ganun. Pero wag nyo na personalin si Marlon. Ok lang mainis. Wag lang i curse. Naglalaro lang yung tao. PERO, sana nga iba si Marlon sa personal, gaya nga ng sinasabi niya, sana nga eh mabait siya outside the game. Dahil kung hindi, kakagatin ko siya. Harhar…
 Anyway, andaming nagsasabi na si Kaye ang babaligtad. Wag din naman ninyo awayin si Kaye. Nasa laro siya. Maraming psychological influences ang pumapasok sa mind niya. tao lang siya mga Ka- Tribo. Wag ninyo masamain kung anuman ang magiging desisyon niya, remember guys, mga KAPUSO tayo, may puso tayo. Hindi tayo BAD! We need to understand their feelings and not judging them personally by just seeing 1 face of the story. Ok?
 
Regarding Marlon, sana tumagal ka pa sa Island, coz ang laki ng sinugal mo sa game. Sinira niya character niya sa Buong Pilipinas just to get the 3 Million. At sa lahat ng mga ka tribo natin jan. Relax lang! wag padalos dalos. Hehehe… Let’s just have fun and enjoy watching the game. Okay lang mag comment, wag lang yung may word na “mamatay” and “pokpok”. Bad na yun, Pasensya na kung nagdedelete na ako ng comments. Lalo na yung nagawa lately. 
Dun sa mga nagtatanong, hindi ako Pro-Marlon! I’m just looking at the two sides of the story. Journalist ako, Walang kinikilingan. Hahaha… Pero vocal ako sa castaway na gusto kong manalo… It’s still Nanay Zita!
Mabuhay ang lahat ng mga Ka-Tribo. Sa lahat ng mga bumubuo ng Survivor Philippines, 
Congratulations! ♥