Nagpahayag na nga ang singer-actor na si Christian Bautista na excited na ito na makasama si Karylle sa kanyang home station matapos magdesisyon si Karylle na lumipat na ng istasyon. Malakas ang bulung bulungan na kaya lumipat si Karylle ay para maiwasan at tuluyan nang makalimutan ang ex boyfriend nito na si Dingdong Dantes. Balik tayo kay Christian Bautista, naging close umano ang dalawa matapos ang kanilang pagsasama sa stage play na Westside Story kung saan everyday daw na halikan portion ang dalawa sa tuwing may play! Ang landi! Iginiit naman ni Karylle na walang kinalaman ang kanyang pag lipat kay Marian Rivera na alam naman nating lahat na biggest female star ng kapuso network. Malakas naman ang bulung bulungan sa ABS-CBN na may plano ang network na pagsamahin sila sa isang project. Obvious ba? for sure sa ASAP si Karylle dahil galing ito sa Number 1 concert show tuwing Sunday na SOP. Well, ang masasabi ko lang kay Karylle, Good Luck!