Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Hats off ang lahat sa pelikulang Twilight, sa direksyon ni Catherine Hardwicke na hango sa nobela ni Stephanie Meyer kung saan iikot ang istorya sa isang modern day vampira na ginanapan ni Robert Pattinson na kung saan ay maiinlove sa isang mortal na ginanapan naman ni Kristen Stewart. Sinasabi nga ng karamihan na ang Twilight ay ang pinakabagong Harry Potter. At marami pa ang nagsasabi na maari pa nitong malagpasan ang Harry Potter in terms of popularity dahil first book pa lamang nito ay sina pelikula na. Nanguna ang Twilight sa Weekend Box Office List na nagpatalsik sa reigning top notcher na James Bond Franchise na Quantum of Solace. Pansin ko nga na ang gwapo ng bida! Yummy! At ang ganda ni Kristen in fairness ha! Well, there's one way to find out kung maganda talaga at worth watching ang movie na to, manood! Ngar!