Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Disclaimer: Video Above is owned by GMA 7


Matapos ang
pahayag ni Gretchen Baretto na handa na umano itong makipagbati kay Dawn Zulueta, hiningan naman ng reaksyon ang aktress. Marami pa ang gustong maka alam kung handa na ba itong kalimutan ang naging hidwaan nila ni La Greta. Nagpahayag na kasi ng pagpapakumbaba si Gretchen at kung kinakailangang siya ang humingi ng tawad sa kaibigan ay gagawin nito.

Samantala, busy naman si Dawn sa kanyang pelikula na entry sa 2008 Metro Manila Film Fest kung saan makakasama nito si Jinggoy Estrada. Ang Pelikula ay pinamagatang "Magkaibigan" na ang kuwento ay hango sa buhay ni Rudy Fernandez. Masaya naman si Dawn dahil sa napakaganda nitong papel sa pelikula kung saan gaganap siya na counterpart ni Lorna Tolentino samantalang si Christopher De Leon naman ang gaganap sa counterpart ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez.

Well, ang message ko lang kay Gretchen at kay Dawn, magbati na kayo, ang corny, away away pa kayo ang lapit na ng Christmas!