Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Matapos nga ang interview ni Marlon Carmen sa Unang Hirit at 24 Oras ay muli nitong iginiit na ang lahat ng nakita ng mga manonood ay pawang parte lamang ng taktika nito sa laro at walang hawig sa ugali nito sa tunay na buhay.
Alam naman nating lahat na marami ang naapektuhan at nainis sa binansagang "Badboy of Primetime" na si Marlon matapos nito gumawa ng mga backstabbing at intriguing moves sa laro na unang beses pa lamang nakita ng mga Pilipino sa isang reality show.
Puwedeng puwede nang mag artista si Marlon, ilagay siya sa soap opera na bilang isang kontrabida! Haha.. Go go Go!

Marlon really made history. Yan na lang ang masasabi ko. Hindi man first time sa Survivor franchise, First time naman sa Philippine Television na may naglaro sa isang reality show na hindi "pa tweetums".
Kaya naman naging hit ang Survivor Philippines dahil madali itong maapreciate. Ang mga contestants ay hindi "eye candies" or "amboys/amgirls" or hindi gwapo at artistahin, kundi isang repleksyon ng mga totoo at normal na pinoy.
Habang papalapit ang Finale ng Survivor Philippines ay patindi din ng patindi ang mga pangyayari. Ang inaabangan naman ng lahat ay kung paano maglalaro ang mga natitirang castaways na alam nating lahat na "magkaka alyado". 
Kudos to Survivor Philippines.