Binuko naman ni Megastar Sharon Cuneta sa press ang kanyang super talented na anak na si KC. Ang dami kasi ang bali balita na nagkaka mabutihan si Sam Milby at KC.
Napansin ko naman na tila nakumpirma na talaga na hanggang love team lang ang tambalan ni KC at Richard Gutierrez dahil sa pagsasabi ni Ate Shawie na may lumiligaw umano sa anak nito, at "hindi artista.."

Anyway, marami naman ang nagulantang ng sinabi ni ate Shawie ito sa kanyang presscon sa isang fastfood chain.
Bakit ganun? Dapat nag name names si Tita Shawie para masaya. In fairness ha, blooming ang lovelife ni KC. Feeling ko ang gwa gwapo ng mga nanliligaw sa kanya.
Anyway, sinabi pa ni Mega na hindi naman daw siya nakiki alam sa lovelife ni KC.
Dapat lang noh. Napaka losers ng mga parents na over react sa lovelife ng mga anak nila. Hindi magandang tingnan.
Para sakin, sana kay Richard na lang si KC. Para masaya! Kasi bagay sila. Ang chaka lang talaga na nasa magkaibang network sila. pero may natitira pa silang isang movie na gagawin. At take note, Valentine Season pa ipapalabas ang movie. And now, it will be under GMA Films.
Wooot!

