Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
 Diether Ocampo on his PETA ad

Kumalat nga ang chismis na lilipat na ng istasyon si Diether Ocampo. According to the latest chismax, tapos nang pumirma ng 4 years exclusive contract sa Kapuso Network. Ayon sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na All ABout Eve ang magiging unang proyekto ni Diet sa network.

Bagamat hindi kinumpirma ng deretsa ng executives ng GMA 7 ang balita, nananatiling "obvious" ang katotohanan ng balita. At ang sinasabi pa ng executives ng kapuso station na hayaan na lang daw natin na mismong si Diether ang mag announce.
Sinabi naman ng kampo ng Star Magic, ang handler ni Diether na nananatili itong Kapamilya. 
Anu ba talaga? 
Ang huling big project na ginawa ni Diether sa kapamilya network ay ang Iisa pa lamang kung saan nakasama nito si Claudine Barreto at Gabby Concepcion.


Well, may tenga ang lupa, may pakpak ang balita.


Na kay Diether yan. Kaya yung mga solid fans ng both networks, accept the decision of Diether kung anu man yon. Buhay nya yan!