Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Confirmed na nga na after doing Codename: Asero, ang susunod naman na project ni Richard Gutierrez ay ang Zorro. Sa ngayon nga ay nag aaral na ito ng fencing at inaasahang magsisimula na magshooting sa 2009. 
Hanggang ngayon ay hinahanapan pa si Richard ng pinakabago nitong makakapareha. 
Alam naman nating lahat na ang lahat ng pinapareha kay Richard ay sumisikat. Ilan sa mga ito ay sina Angel Locsin, Isabel Oli, Jewel Mische at Rhian Ramos. 
Samantala, ang huli naman na kapareha nito na si Heart Evangelista ay ang siyang bida ngayon sa pinakabagong fantaserye ng GMA 7 na Luna Mystica.
Sumatotal, ang Zorro ang magiging ika pitong soap na pagbibidahan ni Richard sa Kapuso Network.