Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Matagal na panahon na rin ang nakakaraan nang matapos ang relasyon ni Erik Santos at Rufa Mae Quinto. Nagsimula ang kanilang loving loving noon nang mag guest si Erik sa concert ni Rufa Mae pero saglit lang ang itinagal ng kanilang relasyon. Marami din ang nagsasabi na "front" lang ang relasyon ng dalawa para mapagtakpan ang "gay issues" na ipinupukol kay Erik Santos.

Matapos pumutok ang balita na may namamagitan kay Rufa Mae at Sam Milby, nag react naman si Erik at nagsabing naniniwala siya na walang katotohanan ang mga issues dahil kilala daw niya si Rufa Mae at matalik naman niyang kaibigan si Sam.

Hanggang ngayon naman daw ay matalik pa ring magkaibigan ang dalawa at iginiit na mananatiling ganun pa rin ang lahat. Dinagdag pa nito na natural lang ang mga balitang relasyon sa showbiz. At sinabi pa nitong walang masama sa pagkakalink ng kanyang ex girlfriend sa ibang lalaki.

Nakakaloka naman kasi si Rufa Mae, lahat na lang ata ng lalaki, na lilink siya! Kulang na lang eh si DJ Mo Twister ma link na sa kanya.