Darating sa bansa ang American Idol Season 7 Finalist na si Ramiele Malubay sa bansa. Si Ramiele ang pinakahuling pinoy na nakapasok sa finals ng pinakasikat na reality show ng Amerika. Marami ang na eexcite dahil marami ang nagtatanong kung kelan magbabalik bansa ang singer. Dami pa nga ang nagulat na naunahan pa siya ni Michael Johns na kapwa nito finalist na mag perform dito sa Pilipinas.

Sumikat si Ramiele sa AI matapos ang kanyang rendition ng kantang You Dont have to Say You Love me at napahanga nito ang mga judges na nagbigay daan sa kanyang pagpasok sa finals.
Naging kontrobersyal si Ramiele matapos kumalat ang kanyang mga "naughty" pictures" sa internet, ngunit depensa ng singer, katuwaan lang nila ito ng kanyang mga friends.

