Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Confirmed Kapamilya na nga ang batikang aktres na si Lorna Tolentino matapos pumirma ng 2 years exclusive contract sa ABS-CBN last Wednesday evening, November 26, 2008. Ang kanyang exclusive contract ay may kasamang dalawang television show at dalawang movie.

Dati nang Kapamilya si Lorna at bumalik lang matapos pumanaw ang kanyang asawa na si Rudy Fernandez. Wala pang ideya si Lorna kung ano ang magiging format ng kanyang mga proyekto ngunit iginiit nito na gusto niyang makasama ang kahit na sinong Kapamilya Stars dahil magaling daw ang mga ito dahil dumadaan sa mga workshops. Pero kung siya daw mismo ang papipiliin, gusto nitong makasama sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz dahil masarap daw makasama sa trabaho ang mga ito.


Well, ganyan talaga ang showbiz, walang permanent home. If she thinks it's a great move, then let her be. Tutal magaling naman talaga umarte si Ms. LT at kahit saan naman siya ilagay na role eh magaling siya. Saka alam naman natin na ang kanyang manager ay nasa GMA 7 na si Miss Lolit Solis. So i think Ms. LT will be visible in two networks. Goodluck to Ms. LT.