Nagpahayag ng kagalakan si Travis barker, dating drummer ng bandang Blink 182 dahil sa tinuturing niyang ikalawang buhay matapos niyang maka survive sa isang plane crash. Matapos ang kanilang Thanksgiving celebration, nag post ng kanyang messages si Travis sa kanyang blogsite. Pinasalamatan nito ang kanyang mga kaanak at kaibigan na hindi siya iniwan sa mga oras na humaharap siya sa pagsubok.
Nangyari ang plane Crash nung September na ikinasawi ng apat. Dalawa silang nakaligtas kasama si DJ AM na kaibigan nito. Dinemanda na ni Travis ang may ari ng eroplano at sinisi ang mga piloto at ang kawalan ng equipments.