Ayon sa latest SWS survey na ginawa last September 24-27, 2008. Tinanong ang mga respondents na Pilipino kung mahirap sila. 52% ang nagsabing mahirap sila habang 48% ang nagsabing hindi. Naniniwala ba kayo sa survey na ito? Sabi ng mga analysts, maganda daw ang ibig sabihin ng survey na ito dahil bumaba ang mga Pilipino na nagsasabi na mahirap sila. Dahil sa nakalipas na survey, 68% ang nagsasabing mahirap sila, so ang ibinaba nito ay 16%.
Kasama na ata sa mga kultura nating mga Pilipino ang pagiging magpakumbaba, yung hindi mayabang. Kaya naman nakakatawang isipin na marami pa talaga sa ating mga Pilipino ang hindi mayabang. Kasi pag may nagtanong sa atin kung mayaman ba tayo o hindi, anu ba sinasagot natin? Hindi diba? kasi ayaw nating masabihang mayabang.
May gusto akong i share sa inyo, isang larawan na kuha ni Sidney Snoeck
Isang napakagandang larawan na makakapagpakita kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang mahirap.
So, mahirap ba kayo?