Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Naging masaya na rin ang mga malulungkot na fans ng namayapang batang aktor na si Marky Cielo matapos mapanood ang kanyang mga huling eksena kanina sa La lola. Ang mga huling mga eksena nito ay kasama pa niya si Lovi Poe. Marami rami pang episodes ang mapapanood ng mga fans na kasama si Marky dahil marami daw advance tapings ang nagawa ng Lalola na meron pa si Marky. Ni namnam ng mga fans ang mga eksena at balita pa sa forums na yung ibang fans eh hindi mapigilan na maiyak habang nanonood.
Last December 7, 2008 nga eh namayapa na si Marky, sa mga oras na ito ay nakaburol pa siya sa kanyang bahay na napanalunan sa Antipolo City. Nakatakdang ilipad ang kanyang labi sa Bontoc, Mountain Province mamaya o bukas ng madaling araw.