Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Usap usapan na ngayon ng mga entertainment press people na may offer na si Dingdong Dantes na lumipat ng istasyon. Sikat na sikat ngayon si Dingdong. Kabilaan ang mga endorsements niya. At certified na matinee idol matapos kumita ng pelikula nila ni Marian Rivera. Naisulat sa mga blind item na sinusungkit ng ABS-CBN si Dingdong Dantes. Lalo pa siyang napansin at lalong naging interesado daw ang ABS kay Dingdong matapos nito lampasuhin ang lahat ng mga lalaki ng ABS at mapiling sexiest man! Ang balita eh malaki daw ang offer na hindi na pwedeng maka hindi si Dingdong. Ngayon masusukat ang loyalty ni Dingdong sa network na nag alaga at nagpasikat sa kanya.
Nauna nang nasubukan ang loyalty ng isa pang kapuso matinee Idol na si Richard Gutierrez, ngunit hindi ito bumigay at nanatili sa kapuso network. Si Dingdong kaya?