Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Halatang halata sa pagkanta ni Karylle kahapon ang kaba habang kumakanta ito ng National Anthem. May isang part na parang may pesteng ehem siya sa pagkanta. Yung tipong parang may sumabit na laway habang kumakanta siya. Pero nairaos naman niya ang kanyang pagkanta ng maayos. Pinuri pa nga siya habang kumakanta.
Pagkatapos ng laban, bandang alas sinko ng hapon dito sa Pilipinas, na interview ni John Lapuz si Karylle at halata sa boses nito na masaya siya. Syempre, proud na proud siya at nakita siyang kumanta ng buong mundo. Exposure kung baga.
Samantala, alam naman nating lahat na ang kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes ay nasa crowd, nanonood. Marami nga ang nagsasabi na kaya daw mukhang kabado si Karylle eh dumagdag pa itong si Dingdong. Marami din ang nagtatanong kung kasama daw ba ni Dingdong si Marian na nasa Amerika din ng mga panahong iyon, well, hindi niya kasama. Anu ba kayo? Baka hindi lang Pacquiao-Dela Hoya ang maganap na suntukan. Baka magkaroon pa ng Padilla-Rivera. Hahaha..