Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Maanghang nga ang segway ni Jobert Sucaldito kahapon sa The Buzz. Ganito ang nangyari, nagkukwentuhan si Boy Abunda, Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa isang segment ng The Buzz at ito ay tungkol kay Marian Rivera at issue nito kay Boy Abunda. Boy even insisted na gusto daw niyang makilala ang aktres dahil mabait naman daw ito na pinatunayan naman ni Ruffa Gutierrez na kasama ni Marian sa pelikulang Desperadas 2. Ngunit, pagkatapos na pagkatapos ng portion ni Boy, Kris at Ruffa, pumasok na nga sa camera si Jobert Sucaldito at si Phoemela Barranda. Sabay sabi ni Jobert, "Hindi daw masyadong kumita ang pelikula ni Marian"
Maraming fans ni Marian ang nagtaas ng kilay dahil marami daw ang patunay na kumita ang pelikula at hindi na dapat maglabas ng ebidensya. Nauna nang naiulat na 10 million pesos ang gross ng opening day ng One True Love.
Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Aalamin ko yan...