Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Ayon sa artikulo ng PEP o Philippine Entertainment Portal, nakahiligan na pala ni Marky Cielo na maglaro ng Online Game! Ito ay ang SF o Special Forces. Kasama daw niyang naglalaro ang kanyang kaibigan na si Paolo Avelino na kapwa nito Starstruck product. Sabi sa artikulo ni Dinno Erece, nakita pa niya ito na papasok sa computer shop para maglaro. At ang sabi sa shop, alas diyes ng mag time out itong si Marky.
Gulat na gulat ang kolumnista ng malaman niya na namatay na pala itong si Marky. Hindi daw siya makapaniwala.
May nakapagsabi naman sa press na may nakakita daw kay Marky na may kausap sa telepono. Pagkatapos daw ng kanilang pag uusap ay nakita itong umiyak. Hindi pa malaman kung sino at ano pinag usapan dahil hindi naman daw narinig ng source.
Sinabi pa ng ilan na maaring nabangungot nga ang aktor. Pero ang pinagtataka ay kung bakit sa sahig ito nakita na nakahandusay. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin ang mga pangyayari at inaalam ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng aktor. Labis pa rin ang dalamhati ng mga kamag-anak at kaibigan ni Marky.
Nauna na ngang nainterview ang naging on-screen partner nito na si Lovi Poe. Bago mamatay si Marky ay may naiwan pa ito na proyekto, at ito nga ay ang La Lola.
Hay nako buhay, nakakalungkot talaga ang nangyari kay Marky. At lalo nang nalungkot ay kaming mga ilokano dahil vocal itong si Marky sa pagiging ilocano nito.