Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Matindi pa rin talaga ang away ng dalawang pinakamalaking network. Nakita ito matapos ang mga isyu na lumabas kaugnay sa coverage ng pagkamatay ni Marky Cielo. Marami kasing isyu ang nagsulputan at kasama na dito ay ang galit umano ng ina ni Marky Cielo matapos i ere ng ABS-CBN ang mukha ni Marky na nasa kabaong. Hiling kasi ng ina ni Marky, huwag kuhanan ng video ang kanyang anak na nasa kabaong dahil ayaw nito na maalala ang anak na nasa kabaong.
Naglabas naman ng press statement ang ABS-CBN kaugnay sa pambabastos nila umano sa burol ng aktor. Idiniin nila na nagpaalam sila sa ina ni Marky Cielo para sa interview. Pero wala silang nabanggit o kahit anung paumanhin sa pagpapakita nila ng imahe ni Marky Cielo na nasa Kabaong.
Nagkaroon kasi ng ongoing coverage ang kapuso network sa pagkamatay ni Marky Cielo. Dahil ito ang hottest topic ng nakaraang linggo, nagdecide na rin na mag cover ang ABS-CBN sa pagkamatay ni Marky. Pero maraming issue na lumabas, at hindi na ito kailangang banggitin pa sa dami.

Narito ang kanilang press statement:


footage source: pep