Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Sinagot na nga ni Marian Rivera ang "bitter smile" na ginawa ni Karylle matapos itong tanungin sa tough 10 segment ng The Buzz. Tinanong kasi si Karylle about sa issue that Marian Rivera is pregnant. Sinagot ni Marian ang issue na to sa press conference ng Desperadas 2.

"Na-offend talaga ako," sabi niya. "Hindi naman ako tanga at lalong hindi na ako bata para magkamali ng ganoon na magpabuntis. Marami pa akong gustong mangyari sa career ko at kung mangyayari man yun, ako na ang magsasabi sa inyo. Isa pa, kung mag-boyfriend kami ni Dingdong, ako ang unang aamin dahil lahat naman ng naging boyfriend ko, naging proud ako."

Dagdag niya, "Makakasagot naman siya [Karylle] dahil may alam naman siya. Sana hindi niya na lang idinaan sa pa-smile-smile."

Well, ang masasabi ko lang dyan, "coz she's bitter!" opinion lang!

source: pep