Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Masayang masaya daw si Miss Vivian Velez ng malaman na si Marian Rivera ang gaganap sa papel na Proserfina. Ang babaeng bida sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ito ay isang komiks ni Carlo J. Caparas na isinapelikula noon. Si Vivian Velez kasi ang gumanap sa pelikula noon, at masayang masaya daw ito na si Marian ang gaganap sa papel.
Tuwang tuwa din daw si Marian na malaman na masaya si Vivian Velez na siya ang gaganap. Sinabi naman ng aktres na hindi daw niya mapapantayan ang nagawa ng orihinal at si Miss Vivian Velez pa rin daw ang orihinal at walang makakapantay doon.
Sa pagkakataong ito, mas mataas ang magiging billing ni Dingdong Dantes. Sa mga nakaraang soap kasi ng dalawa. Kay Marian Rivera umiikot ang istorya at si Dingdong ay ang nagsisilbing "ka-loveteam" effect lang. Ang istorya kasi ng komiks na ito ay iikot sa lalaki.
Pero ewan lang natin. Alam naman nating magaling sa twist ang GMA 7! Para pagandahin lalo ang story. At mas daring daw na Marian ang masasaksihan natin dito!

Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang Teaser