Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Matapos tanggapin ng kapuso star na si Ogie Alcasid ang female role sa Desperadas 2 kung saan gaganap siya bilang half-sister. Hindi nakaiwas si Ogie sa mga nakakatawang tanong ng press sa kanya.

May kissing scene kasi si Ogie Alcasid sa co-star nito na si Carlo Guevarra. Sa mga hindi nakakakilala kay Carlo Guevarra, siya ay finalist sa Be Bench. Reality show na ipinalabas sa ABS-CBN to look for the next Bench models. Hindi naman naiwasan ni Ogie ang tanong ng press kung ano ang reakson ni Regine sa kissing scene nila ni Carlo.

Wala naman. Uh, kasi ayaw niya ako’ng makipag-kissing scene sa babae, ‘di para sa lalaki okay na lang daw. Parang lugi nga ako ‘di ba? Wala naman siyang reaksyon.” - sagot ni Ogie

Dagdag pang tanong ng press kung first time niyang makahalik ng kapwa lalaki. Sinagot naman ni Ogie,

Oo naman. Hindi ko naman ginagawa ‘yun. First time ‘to. ‘Tsaka ang soft ng lips niya. Nakakatawa nga ‘yung mga bading na nanonood sa amin. Kasi maraming take, e. Hindi ko na mabilang kung ilan basta ang daming take. Sigawan ng sigawan ‘yung mga bading. Si Marian sigaw ng sigaw. Nakakatawa. ‘Tsaka ‘yung syempre kailangan kinikilig ka ‘no.

Marami tuloy ang nag aabang sa Desperadas dahil kay Ogie. Masaya kasi pag comedy ang panoorin pag Holiday Season.