Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Matapos maging runner-up sa Pinoy Big Brother-Teen Edition Plus, hanggang manalo bilang Myx VJ at ngayon naman, ang Best New Male TV Personality. Robi Domingo is indeed one of the luckiest teen personality this year. Hindi na nga maitago ni Robi ang kasiyahan matapos ang huling panalo nito sa Star Awards. Kuwento nito, hindi siya nag eexpect na manalo dahil ang nasa isip nito ay ang bibigat ng kanyang mga makakalaban gaya nila Hayden Kho at John Avila. Dahil ang nasa isip niya eh siya ang pinakabatang nominee, hindi na umasa si Robi. Kaya ng tinawag daw ang pangalan niya, hindi daw siya makapaniwala at nasabing

"pakiulit nga? Did i hear it right?"

Alam daw ni Robi na sa kanyang pagkapanalo, kailangan pa daw niyang pagbutihan ang kanyang mga ginagawa sa kanyang career. Masaya daw ngayon si Robi sa pag ho-host ni sa Myx. At yun daw talaga ang gusto niyang gawin. Maaalala natin na nakipila talaga itong si Robi just to join the search.
Maraming projects na daw ang nakapila para kay Robi, ayon sa Star Magic, kasama na rin daw dito ay ang Your Song sa unang quarter ng 2009 at ilang movies. Matunog naman na siya ang gagawing love triangle sa tambalang Gerald Anderson at Kim Chiu.