Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Masakit panoorin habang umiiyak ang ina ni Marky Cielo na si Mrs. Mildred Cadaweng dahil sa pagpanaw ng kanyang anak. Marami ang nasaktan lalo na yung mga nakapanood ng One Proud Mama, show ni Jaya sa Qtv 11 kung saan kasama ng isang sikat na artista ang kanyang ina.
Naaalala ng mga fans ang pinakitang pagmamahal ni Marky sa kanyang ina. Ginagawang motivation kasi ni Marky sa kanyang pagtratrabaho ang kanyang ina. Marami nga ang tumutukso kay Marky na Mama's Boy.
Hiwalay na kasi ang mga magulang ni Marky, at nasa puder ito ng kanyang ina. Kaya naman masakit sa ina ni Marky na pumanaw ang kanyang anak.
Binili ni Marky ang bahay sa Antipolo na nakuha nito sa pagkapanalo na ultimate survivor ng Starstruck Batch 3. Marami tuloy ang nagtatanong na ngayong wala na si Marky, ibebenta ba nila ang bahay? Ano na ang gagawin ng family nila?
Sa huling interview sa ina ni Marky, hiniling nito na ipagdasal si Marky at sana'y maalala natin siya sa kanyang dalawang taon sa showbiz.

Patuloy pa rin nating ipagdasal si Marky..