Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

DUMADAMI ang naiimbyernang press sa isang sikat na aktres dahil sa kanyang ugali.

Sa halip na mas buma­ngo pa ang pangalan ni aktres dahil sunud-sunod ang kanyang projects, bumaho ang image niya sa press.

Nabalita na noon ang aktres na supladita, mataray at palengkera. Isang lalaki ang tinarayan niya nang hindi niya nagustuhan ang ginagawa nito sa taping ng kanyang TV series.

Hindi maganda ang paninita ni aktres sa lalaki kaya nagalit ang lalaki at pinintasan ang aktres sa internet.

Natsismis si aktres na nagmamaldita sa mga kasamahan niyang staff sa TV series, lalo na sa mga baklang make-up artist.

Kailan lang ay nagpa-autograph ng poster ang isang writer sa showbiz. Nang makalayo ang writer, nakataas daw ang kilay na sey ng aktres patungkol sa manunulat, “Istorbo!”

May nakarinig sa sinabi ng aktres at ipinarating iyon sa manunulat.
Sumama naman ang loob ng mga empleyado ng isang kompanya sa South nang mag-guest appearance si aktres dito.

Tumanggi si aktres na magpa-picture taking sa mga empleyado at idinahilan ang kanyang karamdaman.

Laking gulat ng ilang staff nang makita nila sa airport ang aktres na masiglang-masigla makaraan ang isang oras mula ng tanggihan nito ang mga staff.

Marami pang mga kuwento ang lumalabas tungkol sa pangit na ugali ng aktres.
Ang laging palusot ni aktres, wala siyang tinatapakang kahit sino.

Wala raw siyang balak na baguhin ang kanyang personalidad dahil ayaw niyang maging plastik.


source: Rey Pumaloy, Abante-Tonite