Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]



Ayon sa ulat ni Rey Pumaloy, halatang halata daw sa mga interviews ni Jennylyn Mercado na maari pa silang magkabalikan ng kanyang former Boyfriend na si Mark Herras. Pag tinatanong daw kasi si Jennylyn ng tungkol kay Mark, lagi nitong nababanggit na hindi daw sarado ang kanyang pinto para sa reconciliation. Samantalang pag si Patrick ang tinatanong kay Jen, lagi nitong sinasabi na sarado na ang kanyang pinto para sa lalaki.
Sa ngayon daw ay open na si Jen na tumanggap ng mga bagong manliligaw pero hindi pa daw ito ready na magkaroon ng boyfriend. Ang priority kasi ni Jen ngayon ay ang kanyang anak at ang kanyang career.

Alam ni Jen na maari siyang ma-in love uli.
“I’ve learned my lesson well. At ayoko nang magkamali uli, sisiguraduhin ko ‘yan!” pagdidiin ni Jennylyn.

Umaayaw si Jen na pag-usapan ang kanyang lovelife dahil walang nanliligaw sa kanya.

Lalabas na rin ang kanyang coffeetable book kasama ang kanyang anak.