Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ang Camera Cafe ay isang 5-minute show na ipinapalabas sa GMA 7 at sa QTV. Iisa lang ang gamit na camera na nakalagay sa coffee vending machine. Nag originate ang Camera Cafe sa bansang France. Sumikat ito at na franchise na ng iba't ibang bansa kabilang na ang Pilipinas. Hanggang ngayon ay ipinapalabas pa sa sampung bansa ang Camera Cafe kasama na ang Pilipinas.

Sa nakaraang 13th Asian TV Awards, napanalunan ng Camera Cafe ang Best Comedy Program. Tinalo nito ang consistent winner ng category na ito na Bubble Gang. Nag iisa ang Camera Cafe sa nakakuha ng award para sa Pilipinas . Pero maraming nakuha ang Pilipinas na runner-up award kung saan kasama na dito ang Terrestrial Brodcaster of the Year kung saan naging runner-up ang GMA 7 sa Singaporean TV Network na MediaCorp Singapore.