Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Matapos mag resign ang original director na si Direk Joey Reyes because of "creative differences", agad naman humalili si Direk Joel Lamangan. Pagkatapos nga ng story conference ng bagong sine novela ng GMA 7 na Paano ba ang Mangarap na ididirek ni direk Joel, deretso naman siya sa meeting ng mga producers ng second movie ni Richard at KC.
Sa ikalawang pelikula, magsasama pa rin ang GMA Films at Regal Films kaya present si Mother Lily at ang anak nito sa meeting. At siyempre, si Anette Gozon-Abrogar at Joey Abacan for GMA Films.
Hindi pa rin alam kung ano ang magiging title ng pelikula. Nauna nang naipost dito ang magiging susunod na title ng pelikula nila pero dalawa daw ang pinagpipilian, it's either When I Met You, or ang mas pinapaboran na With A Smile.
Ang nasabing pelikula ni KC at Richard ay nakatakdang ipalabas sa February. Kaya naman, Deceber 18 ay magsisimula nang kuhanan ang pelikula pero hanggang December 22 lang ito at magreresume na naman sa susunod na taon.
Marami naman ang umaasa na magiging maganda ang istorya ng susunod na pelikula dahil marami ang nadismaya sa For the First Time na unang pelikula ni KC at Richard.