Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nakitang patay sa kanilang bahay kanina ang dating singer at kinikilalang jukebox diva na si Miss Didith Reyes (Helen Sta. Maria sa tunay na buhay) kaninang ala sinko ng umaga (December 10, 2008).
Maraming angulo ang tinitingnan ng pulisya. Isa na nga dito ay ang reklamo ni Didith na nahagip siya ng sasakyan ilang araw na ang nakakaraan. Hindi naman daw masyadong malala ang sanhi ng pagkakahagip nito ngunit nakaramdam daw siya ng kirot. Sinasabing tatlong araw na ang nakakaraan, dumalaw si Didith sa kaibigan nito sa Binan, Laguna at dinadaing nito na nahagip daw siya ng sasakyan. May nakita daw na mga sugat ang kaibigan nito pero hindi naman daw ganun kaseryoso.
Samantala, na interview naman ng DZBB si Claire Dela Fuente, kilalang kaibigan ni Didith at kapwa singer sa panahon nila. Sinabi ni Claire na depressed daw ang dating singer. Kahit daw gustong gusto nilang tulungan, hindi daw tumitigil sa kaiinom.
Hanggang sa mga oras na ito ay iniibestigahan pa rin nila ang mga pangyayari.

Sumikat si Didith Reyes sa kantang Araw-Araw, Gabi-Gabi at Bakit ako Mahihiya.