Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ngayong araw nga dinala na ang labi ni Marky Cielo sa kanyang hometown na Bontoc, Mountain Province. Pero bago dalhin ngayong araw ang kanyang labi, nagkaroon muna ng necrological service sa kanilang bahay sa Antipolo City para masilayan ng mga fans ang labi ng aktor. Dumalo din ang ilan sa mga kasamahan at malalapit na kaibigan ni Marky. Hindi pa rin makapaniwala si Glaiza De Castro sa pagkawala ni Marky. Si Glaiza ay isa sa mga regular loveteams ni Marky sa Kapuso Station. Hindi rin tumitigil ang pagluha ng aktress na si Lovi Poe sa nangyari kay Marky. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin daw siya makapaniwala sa nangyari kay Marky. hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang ilang huling eksenang nagawa ni Marky sa teleserye ng siyete na LaLola kung saan ka loveteam nito si Marky.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring specific date kung kailan ililibing si Marky dahil inaantay pa ang mga kamag anak nito na nasa ibang bansa pa.