Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ayon sa panulat ni Abu Tilamzik sa Abante Tonite, ayaw magkomento ni Dingdong sa buntis issue na ginawa ni Karylle at Boy Abunda. Nadadawit kasi ang pangalan ni Dingdong sa issue at ayaw nito na mangyari yon. Hindi na lang daw mag rereact si Dingdong dahil hindi naman daw totoo.
Pinayuhan umano ni Dingdong si Marian na huwag na lang patulan ang issue at hayaan na lang lumipas ang issue with Karylle.

“Basta ako, I’ll just stick to the truth. Lalabas din naman kung ano ang totoo,” pahayag ni Dingdong.

Samantala, busy na si Dingdong sa pag kukundisyon ng kanyang katawan para sa pinakabagong soap na pagsasamahan nila ni Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Medyo maaksyon daw kasi ang soap. Ang dami ngang nagsasabi na parang Mr. and Mrs. Smith ang eksena lalo na ang teaser na pinapalabas na sa Kapuso Station.

Excited na rin si Dingdong na ipalabas ang E! Sexiest Man in the World kung saan Ranked # 3 siya.

photo from: abante-tonite