Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring final title ang ikalawang pelikulang pagsasamahan ni Richard Gutierrez at KC Concepcion na ipro produce ng GMA Films at Regal Films. Marami na ang nangyari gaya ng pagbibitiw ni Joey Reyes bilang direktor dahil daw sa creative differences.
Unang naging title nito ay Save the Best for Last, pero, binago nanaman ito at pinag iisipan kung When I Met You na lang.
Kumpleto na daw ang cast kabilang na sina tonton Gutierrez, Cherry Pie Picache, Eula Valdez, Freddie Webb at marami pang iba.
kabadong kabado na ang dalawa matapos ang hindi masyadong magandang performance ng kanilang pelikula under Star Cinema. Marami kasi ang nakapuna na hindi maganda ang istorya. Kaya naman masyadong binubusisi at andami nang conflicts ang nangyayari. Meron pang pangyayari na hindi daw mag start mag shoot ang kampo ni KC Concepcion kung hindi kukunin ang script ni Adoy Adlawan. Oh diba ang taray?
Anyway, Sa February 11, 2009 ang target day of showing nito sa mga sinehan for the Valentine Season.