Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]


Hindi nga tulad ng mga haka haka, nagsalita na si Kristine Hermosa kaugnay sa mga balitang romansa sa pagitan nila ni Oyo Boy Sotto. Nandyan na sa pinag-uusapan ay yung takbo issue ni Oyo Boy nung concert ni Rihanna at Chris Brown sa Pilipinas. Hindi naman nagsalita ang dalawa tungkol sa nasabing issue at sinabing pribado ang pangyayaring yon, basta daw emergency.

Sinabi ni Kristine na good friends lang daw sila ni Oyo Boy. Si Oyo Boy daw ay shoulder to cry on at hanggang dun na lang yun. Napansin naman ng lahat na parang naghahabol talaga si Oyo Boy dahil ang salita nito lagi sa mga interview na kung may magiging girlfriend ito,
bestfriend niya.Sa pagkaka alam ng lahat, best friends na si Oyo Boy at si kristine.. Hmm..
Sinabi naman ni Kristine na maging sila ng kanyang ex-love na si Diether Ocampo ay okay pa rin at in good terms. Now let's analyze this situation..

Analysis:
Mahal ni Oyo Boy si Kristine Hermosa. Nililigawan niya ito, pero mahal pa rin ni Kristine si Diether Ocampo pero hindi na siya mahal nito. Kaya sinabi ni Kristine na shoulder to cry on si Oyo dahil pag malungkot si Kristine because of Diether, si Oyo Boy ang tinatakbuhan niya. So until now, umaasa pa rin si Oyo Boy na mamahalin siya ni Kristine.

Sa tingin nyo tama ba analysis ko?


Anyway, nakatakdang magbida muli si Kristin Hermosa sa primetime! Siya ang nakatakdang magbida sa teleseryeng Maruja. Makakasama niya dito ang pinakabagong Kapamilya na si Karylle.