Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Dapat daw abangan ng mga manonood ang love scene ni Jake Cuenca at Alessandra De Rossi sa pinakabagong serye ng Kapamilya Station na Tayong Dalawa kung saan pinagbibidahan ni Kim Chiu at Gerald Anderson at si Jake Cuenca ang magiging triangle sa istorya.
Nabanggit na rin si Jake, aabangan daw ang love scene niya with his co star in the series na si Alessandra Da Rossi.
Sa istorya daw kasi, depressed na depressed si Jake at gustong sumaya ng gabing yon. Ang role naman ni Alessandra ay isang bayarang babae. Maganda daw ang pagkakagawa ng love scene at aminado si Jake na pinaghirapan daw talaga nila.
Tinanong naman ng PEP kung nagka ilangan ang dalawa..
Hindi naman daw sabi ni Jake dahil good friends daw sila ni Alex (Alessandra De Rossi) kaya naman they are matured enough na gampanan ang scene ng mahusay.