Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Secret finally revealed by Ai Ai Delas Alas. Matapos ang ilang taong pagsisikreto. Nagpakasal daw si Ai Ai Delas Alas sa Las Vegas, Nevada. Ngunit hindi na daw niya ito maalala.
Sinagot ni Ai Ai ito sa press conference ng Ang Tanging Ina nyong Lahat na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

Hindi na nga daw matandaan ni Ai Ai kung 2001 o 2002 siya nagpakasal pero iginiit nito na parte lamang yun ng kanyang "katangahan" noon. Kung maaalala natin, may naging karelasyon si AiAi noon na guy na batang bata. Hindi naman nabanggit kung sino ang kanyang pinakasalan sa Las Vegas. Hindi rin naman daw kasi valid ang kasal na yun at kumbaga eh kasal kasalan lang. Kahit daw ang manager nito na si Boy Abunda eh hindi alam ang ginawang ito ni AiAi. Dinagdag pa nito na maging si Vilma Santos naman at Nora Aunor eh nagpakasal din dun.

Gusto lang daw talaga ni AiAi na ma feel na ikasal dun sa Las Vegas! Ang Taray diba?