Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Umamin na nga si Gerald Anderson na nasa Mutual Understanding stage sila ng kanyang on-screen loveteam na si Kim Chiu. Matagal na rin kasi ang bulung bulungan na may relasyon na talaga ang dalawa.
Kamakailan lang eh pumutok ang issue with Gerald Anderson and Pauleen Luna kung saan dinalaw umano ni Gerald si Pauleen sa set ng Eat Bulaga. Dagdag pa ni Pauleen eh dinadalhan siya ni Gerald ng pagkain.
Agad namang dineny ni Gerald Anderson ang mga issue at iginiit nito na hindi niya dinadalaw si Pauleen.
With Kim, wala naman daw silang selosan pagdating love life. Kumbaga, pag may nanligaw sa kanila, eh ok lang, basta hindi daw complicated ang situation nila ni Kim at kung saan ang isa ay masaya na rin ang isa.
Samantala, kabado na umano ang dalawa sa kanilang nalalapit na teleserye na Tayong Dalawa kung saan magasasama muli sila matapos ang matagal na panahon na hindi sila gumawa ng serye. Magiging love triangle nila si Jake Cuenca.

Tayong Dalawa Full Trailer