Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Hindi totoong nag-resign na si Edu Manzano sa game show niyang Pilipinas: Game K N B?. Ayon sa manager ni Edu na si Tita June Rufino na nakausap namin kahapon sa kanyang room sa UST Hospital, nagkausap na sila ng ABS-CBN exec na si Tita Cory Vidanes at nilinaw nito na hindi totoong nagkaproblema sa episode ng PGKNB? na nag-guest si Direk Wenn Deramas, na sinasabing dahilan umano ng pagbibitiw ni Edu sa show.


Sabi ni Tita June, inere ang nasabing episode nu’ng Disyembre 10, na ang ibig sabihin daw ay walang problema dahil hindi ito ipapalabas ng Kapamilya network kung totoong may problema sa episode ni Direk Wenn. Dagdag pa ni Tita June, ang totoo ay ‘end contract’ na si Edu sa Disyembre 31, pero magre-renew aniya ito ng kontrata sa PGKNB?.


Nakapag-tape na raw si Edu ng Enero 1 episode ng show at nakatakda ulit mag-taping ngayong araw na ito ang OMB Chairman for his game show.


source: abante