Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Napanood ko ang 2008 Year-ender special ng GMA 7 na pinamagatang Versus na tinampukan ng batikang news anchor na si Mike Enriquez. Ang ganda ng concept ng report nila kasi nga Versus.

Pinakita dun lahat ng mga balitang yumanig sa Pilipinas sa nagdaang taong 2008 with a twist, gaya ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Oscar De La Hoya, ang banggaan ng dating magkasintahang Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, ang away ni Nadia Montenegro at Cristy Fermin, ang away ni Marian Rivera at Karylle, ang laban ng mga Pinoy sa krisis sa bigas at sa nagmahal na krudo.

Puro versus o laban ang basehan ng bawat istorya na dumaan sa Pilipinas. Ang nakakatuwa pa eh habang nag uulat si Mike Enriquez eh nasa loob siya ng Boxing Ring. Emote na emote talaga! Sa lahat ng mga hindi nakapanood, malas nanaman ninyo.