Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Kinumpirma nga kahapon ng press na nagsampa ng demanda ang isa sa pinakamalaking network sa Pilipinas na GMA 7 laban sa pamunuan ng TV5. Ang tinatawag na "Unlawful Blocktime Agreement" ay isnampa dahil sa pagkakadiskubre umano na nakipagsosyo ang TV5 sa Malaysian media company na MPB Primedia Inc. Nagsimula daw ito nung nagbago ng format ang ABC 5 at tinawag na ngang TV5 na nag ooperate ng 24 hours. Simula ng nagbago ng format ang TV5, naging consistent na ito na number 3 sa ratings overall ng lahat ng networks. 

Sinasabi kasi ng GMA 7 na unconsitutional ang pakikipagsosyo ng TV5 sa Malaysian Company dahil nakasaad sa ating konstitusyon na mga Pilipino lang ang may karapatang magmay ari at magpatakbo ng kahit anung mass media businesses sa Pilipinas.

Sinasabi din kasi na magiging unfair ang kompetisyon na dapat ay para lamang sa media networks na pag aari ng mga Pilipino. Ito ay repleksyon umano na unfair competition. Bukod sa nullification ng blocktime agreement ng TV5 at ng MPB Primedia Inc., humihingi din ang GMA 7 ng danyos na aabot sa 11 million pesos.

Ang mass media or any form of media na nasa Pilipinas ay karapatan lamang ng mga Pilipino, at ang dapat na magmay ari lang ay mga Pilipino. Alam ko yan dahil may subject ako na Constitution nung College! haha.