Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Wala pa daw planong magkaanak ang homegrown matinee idol at ex PBB housemate na si Sam Milby. Idiniin nito na 24 years old pa lang daw siya at masyado pa siyang bata para mag settle down.
Samantala, masayang masaya si Sam sa pagkakapili nito ng World Vision para maging celebrity sponsor ng World Vision. Isang international organization na sentro ng pangangalaga sa mga batang mahihirap para mapag aral.
Sa ngayon ay napapanood pa rin si Sam sa fantaseryeng Dyosa kung saan kasama nito ang kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis.
Nakatakdang lumipad si Sam patungong Amerika para i promote ang pelikula nitong My Big Love na magiging ka back to back ng pelikula ni Angel Locsin at Piolo Pascual na ipapalabas sa Amerika. Ang Pelikula ni Angel at Piolo ay mag pre premiere sa Amerika na pinamagatang Love Me Again: Land Down Under.