Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Lumutang nanaman ang issue ng dalawang "Idol" winners matapos ma interview ng PEP si Gretchen Espina. May isang beses kasi na nagpahayag si Mau Marcelo na hindi deserving manalo si Gretchen sa Pinoy Idol.
Hindi naman daw big deal kay Gretchen ang mga opinion ni Mau pero aminado daw siya na nasaktan siya dahil tao lang naman daw. Sinabi pa nito na lahat naman daw ata ng mga singing contest winners ay dumadaan sa stage of criticism galing sa ibang tao at kapwa singers.
Dagdag pa ni Gretchen na payag daw siya sa showdown with Mau Marcelo pero sinabi nito na hindi daw showdown yun para sa kanya kundi "singing with someone else"
Ksalukuyan na daw ang recording ni Gretchen sa kanyang launching album under SONY BMG. Nakakapagtaka lang na hindi GMA Records ang maglalabas ng album ni Gretchen gayong nanalo siya sa singing contest ng Kapuso Station. Anyway, nais naman ni Gretchen na sa Pebrero i release ang kanyang album para makasabay sa valentines season. May mga love songs daw kasi siya don at siguradong matutuwa ang mga tao pag narinig yon.
Wala naman daw tampo si Gretchen kahit hindi pa ito nabibigyan ng matinding exposure ng Kapuso Station.