Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Ayon sa panulat ni Jun Lalin sa Abante Tonite, naglunch pala si JC De Vera sa bahay nila Rhian Ramos nung Pasko! Sa katunayan, malungkot daw ngayon si JC dahil hindi sila magkasama ni Rhian na nasa Thailand ngayon para sa isang commercial shoot.

Marami ang naghihinala na gumigimik lang daw si JC at Rhian para pag usapan ang kanilang seryeng Lalola, ngunit dumepensa naman si JC at sinabing masaya siya kay Rhian, kaya nga daw ayaw nitong pag usapan ang tungkol kay Rhian ay dahil pinag iisipan sila ng publiko na gumigimik lang.

Nauna nang napabalita na hiniwalayan daw ni JC ang ka fling nito na si Yasmien Kurdi para maligawan si Rhian. Hindi naman ito kinumpirma ni JC at sinabing magkaibigan lang daw sila ni Yasmien.

Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay nasa Bicol pa si JC at nagbabakasyon kasama ang kanyang mga barkada at nag eenjoy sa Wakeboarding.