Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Matapos ang success na tinamo ng pelikulang Twilight sa Pilipinas, bulung bulungan naman na magkakaroon ito ng Pinoy Version. Pinag dedebatehan na ngayon sa mga forums at mga chatrooms ang mga bagay patungkol sa mga kumakalat na balita kaugnay sa remake. Kasama na sa pinag dedebatehan ay kung anung network ang makakakuha. Marami na ang kumakalat na ang Kapamilya station na ABS-CBN ang nakakuha ngunit wala pang pormal na anunsyo na kumakalat sa mga nasabing balita.

Una sa lahat, mahaba ang proseso na pag dadaanan kung magkakaroon man ng Philippine Remake ang Twilight. Una na dito ay ang tinatawag na rights. Ang rights para ma i remake ang pelikula ay makukuha lamang kung papayag ang may akda ng libro kung saan binase ang pelikula na si Stephenie Mayer. Ikalawa, kung makukuha man ng kung anung network ang rights, magiging issue na naman kung ito ay nasa form na pelikula o series. Depende na naman sa may akda ng libro kung papayag siya. At ikatlo, kung makakayanan ba ng network na kukuha ang presyo ng rights ng Twilight na panigurado ay milyon milyon ang presyo dahil sa success nito, at ito ay hindi sa peso currency kundi, dolyares!

Kaya sa mga nagkakalat ng tsismis ng remake, at mga umaasa na magkaroon ng Philippine Remake, mukhang kailangan ninyo ng himala para mangyari yon.