Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Inaabangan na ng mga panatiko ng mga Asian Dramas dito sa Pilipinas ang Love at the Corner kung saan ipapalabas sa unang buwan ng taong 2009. Ang nasabing Drama ay pagbibidahan ng Meteor Garden Star na si Barbie Xu na nakilala sa pangalan Shan Xai. Makakasama din sa serye ang pinakabagong hearthrob ng Taiwan na si Show Lo na kapansin pansin sa moreno nitong kulay.

Hahalili ang Love at the Corner sa matatapos na Taiwanese series din na Sakurano na ipinapalabas sa Dramarama sa Hapon ng GMA 7.

Ang istorya nito ay iikot sa pag iibigan ng isang mayamang babae na gaganapan ni Barbie Xu at isang mahirap na chef na gaganapan naman ni Show Lo. Sa unang parte ng istorya, hate na hate nila ang isa't isa ngunit mahuhulog ang kanilang loob matapos pumasok sa isang kasunduan.