Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Pagkatapos ng pamamahagi ng mga para­ngal sa 34th Metro Manila Film Festival, inumpisahan kaagad ang pagtatanghal ng Katy, The Musical. Nagamit ang mga pangalan nina KC Concepcion at Jericho Rosales dahil sa mga lumabas na press release, sila ang mga bida ng Katy. Wrong!


Si Mitch Valdez ang tunay na star of the show at kabilang lamang sina KC at Jericho sa mga suporta niya.


Ang husay-husay ni Mitch bilang Katy na nagbalik-alaala at nagkuwento tungkol sa kanyang nakaraan.


Napanood namin sa Rizal Theater noong 1989 ang Katy na ginampanan din ni Mitch. Mahusay na noon si Mitch pero mas magaling siya ngayon. Ang special appearance ng tunay na Katy ang big surprise nang gabing panoorin namin ang Katy.


Si Katy ang Queen of Filipino Jazz at Reyna ng Bodabil. Sumakabilang-buhay siya sa edad na 97 noong November 10, 2004 sa Amerika.


photo and news source: abante online