Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]
Nakumpirma na nga ng GMA 7 na hindi makakapanood ng ng laban ni Manny ang kanyang maybahay na si Jinky Pacquiao. Pinahuyan kasi ng kanyang doktor ang nagdadalang tao na asawa ni Manny na manatili na lang sa kanilang tutuluyang tahanan sa Amerika at manood na lamang sa telebisyon kaysa dumalo sa mismong laban. Maselan kasi ang pagbubuntis ni Jinky. 
Unang beses pa lang na mangyayari ito na hindi makakapanood si Jinky ng laban ni Manny Pacquiao na tinagurian pa man din na pinaka mabigat na laban ni Pacquiao sa kasaysayan ng kanyang pag bo boxing, ang kanyang laban kay Oscar Dela Hoya. 
Mapapanood ang laban exclusive sa GMA 7 at mapapakinggan sa DZBB at Barangay LS.