
Sinagot naman agad ng aktres ang pangungutya ng ilan at sinabing sana ay hindi nila pairalin ang crab mentality at ang lahat ng kanyang efforts ay para din sa Pilipinas. Alam naman nating lahat na pag nakapasok ang pelikulang Ploning officially nominated films para sa category ng Best Foreign Language Film ng Oscars, ito ay ang magiging pinakaunang Pinoy Film na makakapasok sa Oscars.
Sana maging Proud na lang tayo kay Judy Anne dahil pag naging successful ang lahat, credit sa ating mga Pilipino yun na ang ating mga pelikula ay International quality talaga. Hay nako, andami talagang mga ingggetero sa Pilipinas. Kapuso, kapamilya or ka ewan pa yan, support na lang natin si Judy Anne okay? Peace!
Related Post(Ploning):
Juday, masayang masaya sa success ng "Damit para Kay Ploning"

