Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Marami ang nag aakala na ang Why Why Love ng ABS-CBN ay sequel ng Devil Beside You na ipinalabas naman nung 2007 sa GMA. Napakaganda ng istorya ng WWL, sa katunayan, ma aadik ka talaga. Marami ang nagsasabi na napakaganda talaga ng kumbinasyon ni Rainie Yang at Mike He. Kasama pa rin sa WWL si Kingone Wang na love triangle character pa rin ni Rainie at Mike.

Marami namang fans ang nagsasabi na bagay talaga si Rainie at si Mike. Pero iginiit ng dalawa na friends lang sila at meron silang kanya kanyang lovelife sa tunay na buhay. Parehong pribado ang lovelife ng dalawa kaya naman click na click pa rin ang kanilang tandem. Pagkatapos ng Why Why Love, marami naman ang humihiling na magkaroon pa ang dalawa ng bagong series. Sa ngayon ay wala pang matunog na plano para sa bagong series ng dalawa.