Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Matapos nga ng hiwalayan ni Karylle at long time boyfriend nito na si Dingdong Dantes, na lilink naman ngayon si Karylle sa isang lalaki, at yon ay walang iba kundi si Jericho Rosales. Ang balita kasi eh nagkuhanan daw ng cellphone number ang dalawa matapos magkita sa ASAP 08. Sa interview kay Karylle ng PEP, hindi naman nito dineny ang balita na nagkuhanan sila ni Jericho ng number dahil matagal naman na daw silang magkakilala ni Jericho. Dati daw kasi eh magkasama sila sa iisang management group na Genesis under Angeli Valenciano.

Dinagdag pa ni Karylle na nagkatext pa nga daw sila ni Jericho nung Pasko at nagkabatian pa ng Merry Christmas. Pero dinagdag nito na marami naman daw siyang katext at hindi lang si Jericho.


Kahit sino namang na hurt sa relationship eh gusto ng paglilibangan. So maganda rin na may pinaglilibangan ngayon si Karylle, at yun ay sa pakikipag text kay Jericho di ba? Kesa naman mag ii iyak siya sa kuwarto, eh mag text text na lang siya para bongga.