Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Obvious na obvious ang pagmamahal ni John Pratts sa bunsong kapatid ni Vina Morales na si Shaina Magdayao. Tinanong kasi ng press si John kung gano nito kamahal si Shaina. Walang preno nitong sinagot ng mga matatamis na salita ang press patungkol sa kanyang nararamdaman. Kabaligtaran naman ang mga sinambit ni Shaina matapos itong tanungin ng press patungkol kay John Pratts. Gusto kasi ni Shaina na mabagal na proseso ang pagdaanan nila ni John para lalo pa daw nitong makilala ang aktor.

Kung sa bagay eh hindi pa naman ganun katagal ang kanilang mutual understanding kaya naman mas maganda nga ang sinabi ni Shaina na mas matagal pa niyang makilala si John. Heto naman kasing si John, parang excited masyado na pumasok sa mga relasyon. Sa mga nakalipas na panahon eh andami nang niligawan ni John.
Gwapo naman si John eh, pandak lang, hehe.